hahay...
isang bagong umaga na naman.
pagkagising
maliligo at pupunta
sa trabahong ndi ka naman binabayaran
para lang mayroong magawa
at di magpataba
nang nakahiga
sa isang kawayang kama
pinuputakte ng nakaraan at kinabukasan.
sa eskaparateng bubog
nakatunganga
buong maghapon
habang sa mukha
nakapaskil ang isang ngiting
nagtatago ng matinding kalungkutan
dulot ng kasawiang
hindi man lang masabisabi
kaninuman.
ang puso nagdurugo
naghihilom.
isang sadista
nabubuhay sa sakit
at kalungkutan
na idinudulot
sa sarili.
*SSDD = Same Shit Different Day